Top 5 Paasa of 2016 Teachers Edition

For teachers, the year 2016 has been a roller coaster ride filled with a mixture of challenges, blessings, and guess what, expectations. Yes, you read that right. That’s why before this year ends, we are listing down the Top 5 Paasa of 2016 – Teachers Edition. Some of  it will be just for laughs so do not take it “too seriously”. Have fun!

1. HOLIDAYS

Because of the loads of tasks they carry upon their shoulders, teachers often long for holiday breaks which give them a chance to spend a day or two with their families or go traveling to a place where they can release their stresses, yes, stresses to nth level. Kaya naman kapag may pagkakataon ay todo search ang kaguruan sa mga special non-working holidays ngayong taon. Kung pwede nga lang ay ideklara na wala ring pasok ang anniversary ng Aldub o ang panunumpa ni Pangulong Duterte sa kanyang katungkulan. Sayang nga naman, two days din yun.

2. THE NOTORIOUS HASHTAG #WALANGPASOK

Sino ba naman sa atin ang magkakaila na minsan sa taong ito ay nadama mo rin ang lamig ng panahon sa mga araw na walang hinto ang pag-ulan at ang nakakaakit na pagtawag ng malambot mong kama, tila nagsasabing halika, matulog ka, pahinga na muna.

Isa ako sa libu-libong umasa na sa kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pag-announce na #WalangPasok. Ngunit sa kasamaang palad, ay tila naging gawi na hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng ilan sa atin ang ganitong uri ng hiling sa mga panahong ang ilan sa ating mga kababayan ay sinasalanta ng malakas na hangin o pag-ulan.

Ito yung mga araw na naaalala natin si Mayor o si Congressman. Ito yung mga araw na napapadalas ang ating pagdarasal. Kahit umihi lamang ang palaka ay full force na agad sa pag-comment sa mga Facebook pages sa pag-asang anumang oras ay makikita natin ang ating bayan sa listahan ng mga #WalangPasok

Madalas ay tagumpay. Hayahay ika nga. Maghapon kang makakanood ng Koreanovela. Maghapon ay makakakain at makakatulog. Maghapon mong makakasama ang iyong pamilya. Ang saya di ba? Pero may pagkakataon din naman na ikaw ay nabigo at umasa.

3. SALARY INCREASE

Kasabay ng pagluklok ni Duterte bilang bagong pangulo ng ating bansa ay ang pag-asa ng mga guro na itaas ang ating sweldo na kung tutuusin ay sumasapat lamang sa ating mga pangangailangan o kung madalas ay hindi pa nga. Malaki raw ang pag-asang na ang ating sahod ay itaas sa kadahilanang mahal “raw” ng pangulo ang mga guro sapagkat ang kaniyang ina ay isa ring guro.

Masarap sa pandinig. Masarap isipin. Pero bes, masakit ang umasa. At sa loob ng isang taon, ay puro paasa ang ating nabasa lalung lalo na sa social media. Nariyan pa ang mga usap-usapan na magiging 39, 000 o 25, 000 ang basic salary ng kaguruan. Pero nasaan na? Sabi nga nila, TO RECEIVE IS TO BELIEVE na lang. Mahirap ang umasa at masaktan nang paulit-ulit. Hugot pa more!

4. PERFORMANCE-BASED BONUS (PBB)

Patapos na nag taon ngunit marami pa rin sa atin ang umasa at nabigo na maibibigay ang isang bagay na kung tutuusin ay kay tagal na nating hinihintay, ang PBB. Unfair kung ituring ng ilan dahil sa hindi pantay-pantay na halagang matatanggap ng bawat paaralan.

Sa loob ng nakalipas na mga buwan ay walang sawang umasa ang mga guro na ang bonus na sana ay matatanggap nila bago matapos ang taon ay mapapasakamay nila, ngunit marami ang pinaasa. Sasalubungin ang bagong taon na salat ang bulsa. Ang handa sa mesa ay ipinangutang pa. Yan ang masakit na katotohanang kinakaharap ilan sa ating mga kaguruan, katotohanang ni sa hinagap ay hindi naranasan ng mga taong inaasahan natin sa pagsulong ng mga pagbabago para sa ikabubuti ng lahat ng kaguruan at ng ating kagawaran.

Gayunpaman, anu mang halaga na ating natanggap o matatanggap ay nararapat lamang na ating pasalamatan dahil ito ay biyaya pa ring maituturing na kaloob ng Poong Maykapal.

5. THE SYSTEM

I don’t want to include this one in the list as this may require another article just to tackle this one but we cannot deny the fact that it is still on top of the list when it comes to the things we expect to undergo positive changes.

Ang sistema ng edukasyon sa Pinas ang isa sa mga bagay na pilit tayong pinapaasa. Nais nila na makapaghatid tayo ng dekalidad na edukasyon sa mga batang ating tinuturuan ngunit sa kabila nito ay ang samu’t saring mga trabaho na ating kinakaharap sa araw-araw. Nariyan na ang sangkaterbang paper works na kung tutuusin ay hindi na dapat kasama pa sa ating tungkulin. Sabi nga nila, 60-40 na raw ang paper works to teaching ratio ngayon. Mahirap umasa na ito ay mababago sa isang iglap lamang.

In fact, it may take years before our whole educational system live up to the expectations of the teachers and Filipino people. But despite that, let us just be positive about the path we are leading to because like it or not, the teachers play a major part in this system. And our role in defining its future is more than we can imagine.

Did we miss something that is worthy to be included in this list? Let us know. Write them in the comment box below. Thank you!


This post wasn’t meant to make rants about the things mentioned above. Instead, it serves as a friendly reminder for us to continue being optimistic about our future and to remain thankful for whatever blessing we receive. May you have a healthy and prosperous 2017 ahead of you and your family my dear teachers. Stay blessed. Magandang buhay!

Serving you,

DepEd Forum

3 Comments

  1. Good afternoon sir,
    I am Mrs. Geraldine L. Olor, a teacher of Baybay I Central School here in Baybay Leyte.
    After reading your blog and a short information about your self, I realized that you are the best person I should ask for help. I am assigned to make our graduation program, and I want it to be more or less like the program you had during the 2016 graduation the one that I have seen in the google 🙂 . I hope I can count on you.Thank you very much and God Bless you more.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *